RSS

Pulitika ng Pagbabago sa Barangay

19 Oct


SITWASYON

Ang barangay ay ekstensiyon ng naghaharing pampulitikang pangkat at o dinastiya sa antas lunsod/munisipyo o probinsiya. Nagsisilbing pampulitikang base at sanayan ng mga bagong tradisyunal na pulitiko o trapo sa hinaharap. Maraming kandidato sa pagka- punong barangay ay anak o kamag-anak at kaibigan ng meyor o konsehal. Tuntungan din ito ng mga susunod na lider sa antas bayan/lunsod at kongreso. Marami ding miyembro ng kongreso ay sinimulan ang kanilang political career sa antas barangay.

Ang bilang ng kandidatong pambarangay sa antas pambansa – na umaabot sa 336,200 nitong nakaraang eleksiyon – ay suportado din ng mga kongresista at iba pang lokal na pulitiko para imentina ang kanilang political power base na magagamit tuwing eleksiyon. Sa ganitong kalakaran, ang mandato ng barangay, alinsunod sa saligang batas na “non-partisan” at “independent” ay isa lamang lip-service.

Sa isang sistemang pulitikal tulad ng umiiral sa Pilipinas, na dominado ng mga elitistang tradisyunal na pulitiko o trapo, ang konsepto at praktika ng “governance”, mula sa antas pambansa hanggang sa antas barangay ay kasing kahulugan ng “patronage politics” at kurapsiyon. Ang mga pampublikong biyaya at serbisyo ay ipinamamahagi hindi bilang pampublikong tungkulin kundi bilang pabor ng isang patron para sa kanyang dependents.

PANG-EKONOMIYANG PROGRAMA, HINDI PRAYORIDAD

Ang barangay ay dapat nasa unahan para sa kampanya laban sa laganap na kahirapan at mabilis na tumutugon sa mga batayang serbisyong panlipunan kabilang ang serbisyong pang-kalusugan at edukasyon.

Ngunit, sa pangkalahatan ang pang-ekonomiyang pagpapaunlad tulad ng programa sa kabuhayan (livelihood), ay hindi prayoridad sa barangay development funds (BDFs). Ang karaniwang mga Programa, Aktibidad at Proyekto (PAPs), na isporadikong ginagawa, ay karaniwang katumbas lamang ng pagpapaunlad sa barangay hall, bagong basketball courts, “beautification” at “beauty contest’, linis-kanal at iba pang impraistruktura na artipisyal ang silbi sa ekonomiya ng komunidad at pagdalo sa mga kumperensiya at seminar na sa katunayan ay anyo lamang ng de-subsidyong bakasyon ng mga opisyales.

Kurapsiyon

Talamak ang kurapsiyon na nakalakip sa mga PAPs kabilang ang mga pinondohan mula sa “pork barrel fund” na ibinibigay sa mga pinapaburang barangay. Sa sumada, lahat ng mga ito na ibinibigay ng mga opisyales na serbisyo ay pakitang-tao, mas mahalaga sa kanila ay ang kanilang porsiyento na makukurakot sa pamamagitan ng “SOP” o kikbak na umaabot sa 50% porsiyento ng tunay na halaga, mula sa mga alaga at pinapaburang suplayer.

Naiiwan sa dilim ang mga residente at mamamayan kung papaano ginastos ang multi-milyong pondo sapagkat patuloy na nilalabag ng mga barangay ang publisidad ng kanilang gastos. Maraming residente at mamamayan ang di nakaka-alam na kinukuha ng barangay ang kanilang pondo sa: 35 porsiyento ng 40 porsiyento ng kabuuang government revenues; 20 porsiyento ng internal revenue allotment (IRA); 30 porsiyento ng community tax collections; 25-35 porsiyento ng real property tax; at iba pang revenues mula sa barangay clearances at business permits. Meron ding mga barangay na beneficiaries ng foreign grants at “corporate social responsibility” (CSR) projects.

Ang barangay ay isang pabigat na suson sa public administration na sumasalamin sa kabulukan ng mga mayor na institusyon ng pambansang burukrasya, na lahat ng masama at bulok na gawi ng governance ay patuloy na ginagawa — political patronage, corruption at nepotism. Tulad sa national bureaucracy, ang mekanismo ng transparency and accountability ay isang guni-guni lamang sa antas barangay.

PAPEL NG COMMUNITY-BASED ORGANIZATIONS

Ngayong buwan ng Oktubre, pinangungunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagdiriwang sa ika-20 taon ng Local Government Code of 1991 o RA 7160. Dalawang dekada na ang lumipas pagtatapos pagtibayin ang naturang batas, ang mandato at minimithing reporma ay hindi pa lubos na naisasagawa. Karamihan sa mga kasalukuyang naihalal sa tungkulin, lalo na ang mga utak-trapo, ay nananatiling “lip service” lamang ang antas ng pagpapatupad sa “participatory governance”, samantalang ang iba nama’y pilit na iniikutan ang mga probisyon nito.

Sa naturang batas, tampok ang ilang demokratikong reporma sa governance. Mula sa labis na sentralisadong kontrol ng gubyernong nasyunal sa mga usapin ng “governance”, niluwagan ito at inilatag ang debolusyon – higit na otonomiya sa lokal at pagbibigay ng dagdag kapangyarihan sa mga Local Government Units o LGU hanggang antas barangay.

Kasabay nito’y nalikha din ang isang anyo ng demokratikong mekanismo – ang “Development Council” at nabuksan ang puwang para sa mas malawak at direktang partisipasyon ng mamamayan sa pamamagitan ng mga People’s Organizations (POs) at Non-Governmental Organizations (NGO) sa pagsisikap ng pag-gogubyerno.

Nililinaw din ang papel ng POs at NGOs bilang partner ng mga LGUs sa lokalidad. Sinasabi sa  Local Government Code of 1991, Chapter 4, ang mga sumusunod: 

SEC. 34. Role of People’s and Nongovernmental Organizations. – Local government units shall promote the establishment and operation of people’s and nongovernmental organizations to become active partners in the pursuit of local autonomy.

SEC. 35. Linkages with People’s and Non-Governmental Organizations. – Local government units may enter into joint ventures and such other cooperative arrangements with people’s and nongovernmental organizations to engage in the delivery of certain basic services, capability-building and livelihood projects, and to develop local enterprises designed to improve productivity and income, diversify agriculture, spur rural industrialization, promote ecological balance, and enhance the economic and social well-being of the people.

SEC. 36. Assistance to People’s and Nongovernmental Organizations. – A local government unit may, through its local chief executive and with the concurrence of the sanggunian concerned, provide assistance, financial or otherwise, to such people’s and nongovernmental organizations for economic, socially-oriented, environmental, or cultural projects to be implemented within its territorial jurisdiction”.

Ang Development Council

Tampok na mekanismong ipinag-uutos ng batas ay ang pagbubuo ng “Development Council” sa bawat barangay, lunsod at probinsiya sa buong bansa. Ang mga ideya, panukala at aspirasyon ng mga mamamayan ay mapapadaloy at makakamit lamang sa pamamagitan ng ganitong demokratikong mekanismo.

Kung sa antas barangay, ang komposisyon ng “Development Council” ay nakadetalye sa Sec. 107 ng LGC, ang sumusunod:

Ang “Barangay Development Council” ay pamumunuan ng Punong Barangay at binubuo ng mga sumusunod na miyembro:

(1)   Miyembro ng Sangguniang Barangay;

(2)   Kinatawan ng people’s organization at o non-governmental organizations na umiiral sa barangay, kung saan binubuo ng hindi kukulangin sa 25 porsiyento (4-5 lider) ng kabuuang naorganisang council; at

(3)   Kinatawan ng kongresista.

Sa diwa ng transparency and good governance, ang pangunahing tungkulin ng development council alinsunod sa local government code ay ang mga sumusunod:

The barangay development council shall exercise the following functions:

(1)  Mobilize people’s participation in local development efforts;

(2)   Prepare barangay development plans based on local requirements;

(3)  Monitor and evaluate the implementation of national or local programs and projects; and

(4)   Perform such other functions as may be provided by law or competent authority”.

Nararapat imaksimisa ng mga community-based organizations at PO/NGO ang mga demokratikong probisyon nito para sa pagsusulong ng tunay na people’s empowerment.

Gayunman, para makamit ang ganitong mga demokratikong espasyo, nararapat magkaroon ng aktibong partisipasyon ang mga organisasyon at PO/NGO.

Buwagin: Bogus na Barangay Development Council

Partikular sa Barangay Fortune, lunsod ng Marikina, hindi seryoso ang punong barangay na ipatupad ang konsepto at prinsipyo ng people’s participation at good governance. Unang-una, hanggang sa kasalukuyan ay hindi nito ginagawa ang tungkulin na ipalaganap ang kahalagahan nito sa pamamagitan ng massive information and education drive sa mga organisasyon at mamamayan.

Kung kaya’t mababa, kung di man ay walang partisipasyon ang mga organisasyon sa barangay development council. Nagkasya ang punong barangay sa kanyang personal at ma-anomalyang proseso sa pagtukoy kung sino ang pauupuin sa naturang development council. Mas malubha pa, tinukoy nito ang barangay auxilliary force – ang Bantay-Bayan bilang kasapi sa development council.

Sa kasalukuyan ay walang umiiral na tunay na barangay development council dito. Ang umiiral ay isang BOGUS AT WALANG SILBING barangay development council. Nararapat itong buwagin agad at itayo ang isang tunay na demokratikong development council.

Konseho ng Mamamayan para sa Mamamayan

Isang hamon sa mga progresibong lider ng mga organisasyon at PO/NGO sa barangay Fortune na igiit ang tunay na diwa ng people’s participation sa local governance. Para tunay at seryosong maisulong ang interes ng mamamayan, nararapat maitayo ang isang independiyenteng porum at o organisasyon ng mga PO/NGO sa saklaw ng barangay para demokratikong ihalal ang kanilang 25% representasyon sa barangay development council at mula dito ay tukuyin ang kanilang mga issues and concerns at o kolektibong interes. Ang mga issues and concerns na ito ay agad na isumite sa pamamagitan ng kanilang kinatawan sa barangay development council para sa kinakailangang aksiyon.

Ang forum at o organisasyon ng mga PO/NGO ay maaaring itayo sa porma ng Konseho ng Mamamayan o People’s Council ng lahat ng mga organisasyon, PO/NGO sa saklaw ng barangay, para mabigyan ng direksiyon ang kanilang 25% representasyon. Para sa ganitong layunin, ang Konseho ng Mamamayan ay dapat abutin ang isang antas ng kredibilidad at independensiya mula sa kontrol ng mga pulitiko.

Ang pagtatayo ng People’s Council, na maaaring pansamantalang tawaging  – “Barangay Fortune People’s Council” o BFPC. Ang BFPC ay nararapat na malaya mula sa kontrol at manipulasyon ng ng mga pulitiko para di mabahiran ng anumang electoral agenda. Abutin ang mga organisasyon mula sa mga HOA, subdibisyon, lider-manggagawa/unyon, kooperatiba at organisasyong sektoral kabilang ang kabataan, kababaihan, senior citizen, Toda, entrepreneurs, civic orgs., NGO at iba pang organisasyong umiiral sa barangay. – mula dito ay pagkaisahan ng naturang assembly ang 25% (4) na kinatawan nila sa BDC, para sa pagsusulong ng Barangay development work/plan para sa mamamayan.

PULITIKA NG PAGBABAGO

Ano ang mga tsansa na mapaglingkod ang barangay para sa pulitika ng pagbabago at para sa tunay na kapakanan ng mamamayan?

Sa katunayan ay walang kakulangan ng mga aktwal na karanasan at mga subok na ideya na maaari pang paunlarin tungo sa kinakailangang repormang pampulitika sa antas barangay. Sapat ang mga naipong kaalaman at progresibong balangkas ng community work, campaign and mass mobilization principles, kabilang ang alternative land use, literacy, traditional health-care practices at proteksiyon sa kalikasan mula sa deka-dekadang social advocacy ng mga people’s organizations, NGOs, at mga people-oriented institutions.

Umaapaw din ang bilang ng mga lider-komunidad na naghahanap ng makabuluhang pampulitikang pagbabago at patuloy na nagtatanim ng mga binhi ng people empowerment sa mga komunidad at maaaring gamitin ang barangay bilang institusyon para sa tunay na pagbabago. Sa pagpapalaganap ng kinakailangang oryentasyon na inspirado ng “pulitika ng pagbabago”, kahit ang kasalukuyang opisyales ng barangay na mayroong napatunayang mabuting performance ay makakatulong bilang gulugod para sa progresibong barangay politics at good governance.

Progresibong Lingkod-Bayan

Mayroon din namang progresibong lokal na halal na opisyal, na hindi lamang lubos na ipinatutupad ang mga probisyon ng batas, kundi sa katunayan ay bibibigyang buhay pa nito ang mga konsepto at prinsipyo ng “participatory governance”.  Sila ang mga tunay na lider at lingkod-bayan na nagtatakwil sa tradisyunal na molde ng “governance”. Sila ang mga LGU na gumagamit ng inobasyon, imahinasyon at pagiging mapanlikha sa pagsasagawa ng malawak na partisipasyon ng mamamayan.

Taglay ang sapat na kapangyarihan para ibigay ang mga batayang serbisyo, ang  42,025 bilang ng mga barangay sa Pilipinas ay maaaring magsilbing community-based na makinarya para sa demokratikong pag-gogubyerno at pag-papaunlad. Ang barangay ay gumagampan bilang “yunit na tagapagpartikularisa at tagapagpatupad ng mga polisiya, plano, programa, proyekto at aktibidad sa mga komunidad (Section 384, 1991 Local Government Code). Ang Sangguniang Barangay, ay gumagampang ng gawaing lehislatura, ehekutibo, at quasi-judicial powers para gumawa ng mga lokal na alituntunin sa pagpapatupad ng mga batas, i-deliber ang mga batayang serbisyo at mamagitan sa mga gusot pang-komunidad – sa pamamagitan ng partnership sa mga POs/NGOs.

Ang barangay ay mayroong likas na katungkulan at mga yunit kung saan maaaring languyan ng mga advocates ng pulitika ng pagbabago, tulad ng pagpapatakbo o pagsuporta sa mga kandidato, kabilang ang aktibong papel sa barangay assemblies at programa. Ang pagpapalaganap sa progresibong barangay politics ay maaaring mapaunlad sa pamamagitan ng community-based organizations na nasasandatahan ng pro-people mission at skills of alternative governance.

Kalaunan, ang pulitika ng pagbabago sa barangay ang mangingibabaw sa bulok na sistema ng tradisyunal na pulitika.

Advertisements
 
8 Comments

Posted by on October 19, 2011 in People's Participation

 

8 responses to “Pulitika ng Pagbabago sa Barangay

  1. Jasmine Santiago

    October 19, 2011 at 8:44 am

    I fully agree. Ang pulitika ng pagbabago at good governance ay maaring isagawa sa grassroots o sa barangay level. Basic requirement ang people’s participation, including principles of transparency and accountability:

    PARTICIPATION is based on the premise that the right and responsibility to govern are equally shared by those who govern and who are governed. Both the representative of the state and civil society share in common the initiative to better governance. The government and the governed take collective responsibility for the welfare of the society. Thus the need to create an effective venue for the governed to participate in meaningful governance. Good governance is easily achieved if its responsibilities are shared by the people. A system of partnership between the governor and the governed gives impetus to the time-honored principle that, indeed, sovereignty resides in the people.

    TRANSPARENCY gives attention to the information systems that will inform the public of the following: a) policies, rules, and procedures, b) work programs, projects, and performance targets, c) performance reports, and d) all other documents as may hereafter be classified as public information. Such information shall be utilized solely for the purpose of informing the public of such policies, programs, and accomplishment, thus, generate continuous people’s support and meaningful participation in the development of the community.

    ACCOUNTABILITY is entrenched on the rule that public office is a public trust. It focuses on the regularity of fiscal transactions and faithful compliance with and adherence to, legal requirements and administrative policies. It is not only a government obligation but also an indispensable means to ensure responsiveness to the needs and rights of one’s constituency. Effective accountability and responsiveness can only be assured through the meaningful participation of the communities involved.

     
  2. georgemapilejr

    October 19, 2011 at 9:11 am

    Tnx for sharing Jasmine. In our current political system that has been dominated by elite traditional politics or trapo, governance has been almost been synonymous to patronage, where public goods and services are dispensed not as a matter of public duty but as a favor by a patron to their dependents. The business of local governments had been divorced from the quest for public good and has been hijacked to serve the political perpetration of those holding the helm of power. In a political setting like this, poverty, which breeds dependence, becomes a weapon to be used by those in government positions rather than a problem to be addressed in the pursuit of genuine popular development. Sa balangkas ng pro-people social reform at pulitika ng pagbabago, malaki ang papel ng mga progressive community-based organizations at people oriented institutions para baguhin ito.

     
  3. Kap. Bernard Gonzales

    October 21, 2011 at 12:36 pm

    KALBARYO NG ISANG PUNONG BARANGAY:

    Kapitan me sakit po ang aking anak! kapitan nawawala po ang aking anak!…Kapitan wala po kaming bigas!…kapitan kailangan po ang sasakyan pauntang ospital. wala kaming pera! kapitan nahuli po ng pulis ang aking lisensiya….Kapitan me fund raising kami. bigyan kita ng ticket…

    yang kapitan na iyan ninanakaw ang pondo… Yang kapitan na yan Abusado…yang kapitan na yan laki ng kinikita sa mga proyekto…yang Kapitan na iyan Babaero….yang kapitan na iyan may kinikilingan…Yang Kapitan na yan yann ang may kasalanan ng lahat!Sa tinatangap na buwanag honoraria na mas higit na mababa kaysa isang ALILA. Ang kapitan ang pinakamalaki ang sakripisyo sa lahat ng opisyal at tauhan ng pamahalaan.Ang kapitan ay walang pinipiling lugar na pupuntahan ng mga mamamayan ng Barangay. Ang Presidente ay sa malacanang pinupuntahan, Ang gobernador ay sa Kapitolyo, ang mayor ay sa munisipyo. Ang Senador ay sa Senado. Subalit ang Punong Barangay o Kapitan, Bukod sa barangay hall ay sa bahay pinupuntahan. At ang isang namumuno kapag sa kanyang tahanan pinupuntahan ay nangangahulugan ng 24 na serbisyo. Walang pinipiling panahon at pagkakataon. Walang gabi o madaling araw. bago makarating ang problema sa mataas na antas ng pamahalaan ay dumadaan muna sa kapitan. Sa pag ganap sa tungkilin at paghusga sa mga problemang kinahahaharap, ay may isang panig na magtatampo at makakalaban. Sa bawat tawag ng tungkilin ay nakayapak sa hukay ang isang paa. Sa bawat desisiyong gagawin ay siguradong may babatikos ng walang basehan at pag aaral.

    Subalit sa kabila ng malaking serbisyong ito ay walang nanatangap na biyayang sasapat para mabuhay ng maayos ang pamilya. Walang biyayang makakamit kapag natapos na sa panunungkulan. Walang seguridad kung sakaling mapahamak sa pag ganap msa tungkulin. At ang masakit ay wala ni isang sentimo na matatangap sa pamahalaan kung sakaling may problemang kakasangkutan. Kadalasan pa ay ang Gobyerno at mamamayang pinaglilingkuran ang bumabatikos at gumagawa ng paraan upang lalong madiin sa problema ang misang kapitan. Ang nakikita ay ang kamalian at hindi ang mga mabuting gawa. Ang serbisyo at personal na tulong ay hindi tinatanaw na utang na llob kundi isang obligasyon na dapat gampanan.

    Subalit ang lahat ng ito ay aming maluwag na tinatangap. Sapagkat bago pa,lamang namin pasukin ang ganitong larangan ay humigit kumulang ay alam na namin ang aming haharapin. tanging hilinh lamang ay pang unawa,kooperasyon at kaisipang… Ang mga Kapitan ng barangay ay tao rin lamang… Minsan ay nagkakamali rin…may pamilya na binibuhay….nakararamda,m din ng pagod at may damdaming nasasaktan sa mga batikos at puna na minsan ay walang basehan.

    Ang isang Punong barangay, kung may biyayang mang natatangap, ay tunay na aming sinusumpaang hindi katumbas ng aming paghihirap at sakripisyo. NAKAWIN man namin ang kalahati ng PONDO ng barangay ( na imposibleng mangyari. ay hindi sasapat para guminhawa ang pamumuihay. ang mga sinasabing porsiyento lokal ay pawang mga kasinungalingan. Ang konting kapakinabangan kung may roon man ay hindi maitatatwang nailalaan din sa mga mamamayan ng barangay. bagamat hindi lahat ay napagbibigyan at yun mga hindi nabiyayaan ang babatikos ng walang dahilan.

    Panahon na siguro upang kilalanin ng pamahalaan at pamayanan ang sakripisyo ng mga Punong Barangay. Hindi ang mga kamaliang nagawa kung hindi ang mga kabutihan at serbisyong naiambag sa pamahalaan at pamayanan.. Hindi mpara bigyan ng materyal at kapakinabangang personal. kung hindi ang pag galang nat pakikisa samga tungkuling aming ginapampanan.

    Isipin po natin a sa dami ng residente sa barangay na mainam at may higit na kaalaman at sa dami ng may hangaring makapaglingkod na pagpipilian ay kami ang napili at natalaga. ito po may sa kadahilanang ay ikinaloob nng nasa itaas. ANg paghusga sa aming mga kamalian ay sa HALALAN po natin husgahan at hindi sa panahon ng PAGLILINGKOD . Ang inyo pong walang makatuwirang pagbatikos ay lalong nagpapabigat sa aming mabigat ng dalahin.

    maraming salamat po.

    Kap bernard Gonzales Tangos, Baliwag, Bul;acan

    Email : barangay_tangos@yahoo.com

    FB : bernard gonzales

    Web site : barangaytangos.weebly.com

    Your comment is awaiting moderation

     
  4. Kap. Bernard Gonzales

    October 30, 2011 at 3:39 pm

    Ang problemang ito ay dinadanas hindi lamang na malilit na bayan kundi maging ng mga mauunlad na siyudad.sa ating bansa. Mula ng maisabatas ang Clean air act na nagbabawal sa pagsunog at open dumpsite ay naubliga ang mga local government unit na magisip ng pamamaraan upang masolusyunan ang problemang ito.. Halos lahat ay nagkaroon ng MRF.( Material Recovery Facilities). May se…gregation, may Composting . Subalit ito ba ang Panghabang panahong solusyon. Palagay kop o ay hindi.Ito po ay pansamantalang solusyon lamang. Sapagakat ang basura ay walang katapusan subalit ang mga pasilidad ng MRF sa Buong bansa ay di sapat para akomodahin ang basurang nadadagdag na kaakibat ng Pagunlad. Ng isang lugar. Ang segregation na mulat sapul ay nais ipatupad subalit walang katiyakan na maipapatupad sa habang panahon. Ang kampanya ng Gobyerno na may pera sa basura ay di makatotohanan sapagkat nagkataon lamang na mahal ang halaga ng Scapt na papel, bakal, lata at plastic sa ngayon Kung kayat may nagtitiyagang lumikom ng mga ito. Ganun paman ay hindi sapat ang halagang malilikom sa pagbebentahan nito upang ipangmintine sa mga taong gaganap ditto.Ang Composting ay hindi rin gaanong epektibo na tulad ng inaasahan sapag kat napakaraming alternatibong pataba na maaaring gamitin tulad ng dumi ng hayop,PInatuyong halaman, bukod pa sa matagal at magastos na proseso sa pag gawa nito mula sa basura. Gamot at kemikal na gagamitin at pasahod sa mga taong gaganap dito.at Lugar na imbakan nito sa maramihang Paggawa. Minsan nga nagpamigay ng libre ang MAO na compost Pertilizer , Walang kumuha.

    Ang tanging Solusyon? R E C Y C L I N G.. ito po ay ginagawa na sa ating bansa subalit tanging mga Pribadong Kumpanya ang gumagawa nito. Sila ang bumubili ng mga Segregated Recycleble materials sa ating mga MRF. At ang mga productong yari ditto ay tayo naman ang bumibili. Kung ang ating mga Local Govt Unit ay magpupundar ng mga makinarya na magagamit para gumawa ng mga produktong ito na ang mga materyales ay satin din mangagaling at ang Finish Product ay tayo din ang kukunsumo tulad ng gamit na papel sa munisipyo, yero na gawa mula sa Plastic ay malaking tulong sa ating problema sa basura. At magiging dagdag pang pagkakakitaan sa mga tauhang gaganap sa pag gawa nito.Sa bansang KOREA kung inyong tatanungin ang ibang pilipinong namasukan doon ay may mga kabahayan doon na ang tanging negosyo ay paggawa ng kutsarang Plastic.na isang makina lamang ang gamit ito po ay PLASTIC INJECTION MACHINE. Sa bansang tsina ay may mga gawaan pa ng papel na mano mano at di nagangailangan ng makabagong teknolohiya sa paggawa.Sa isang programa sa telebisyon sa bansang hapon na aking napanood ay nakakagawa sila ng Corrugated Sheet (Yero) mula sa mga balutan ng ZESTO O JUICE DRINK.at materyales na katulad nito. At ang pag gawa ay mano mano at walang makabagong makinarya. May gumagawa na din ng hollow block na inihahalo sa buhangin ay giniling na bote at basura

    Narito po ang mga suhestiyon para sa Problema sa Basura.

    1.Pagpupundar ng mga makinaryang ito at mga molde upang magamit sa pag gawa ng mga produktong nabangit ( ang mga makinaryang ito ay di kamahalan na tulad ng gugugulin sa Pagpupundar ng MRF). Maari ding i subsidya ng pamahalaan ang pag aangkat ng mga makinaryang para dito.Na sa murang halaga at Tax Free.

    2. Pagpapadala ng mga taong magaaral para sa pagsasanay sa pag gawa at proseso ng mga produktong ito.at teknolohiyang kaalaman.

    3. Pag giling o compaction ng mga basurang din a pakikinabangan upang gawing pantambak sa mga mababababang lupain sa nasasakupan. Sapagkat kung ito ay giling o compacted matapos haluan ng lupa ay hindi na mukhang basura at di pangit sa paningin.See More
    LikeUnlike · · October 26 at 11:51am

    *
    *
    Celso Delos Santos, Isabel Nunez Andres and Princess Mendoza like this.
    *
    o

     
  5. Kap. Bernard Gonzales

    October 30, 2011 at 3:39 pm

    Justice System by Kap bernard

    Ang pagpapatupad ng JURY SYSTEM para sa paghusga sa nasasakdal . Ang inyong lingcod sa karanasang napagdaanan ay naniniwalang mas maayos ang sistemeng ito. Sapagkat Ang mga Huwes o Piskal sa kakulangan ng kanilang bilang at Sa dami ng Kasong hinahawakan ay hindi na nagkakaroon ng Panahon upang magimbistiga ng personal patungkol sa Kasong kanilang Hinahawakan. Karaniw…an ay bumabase lamang sila sa mga papeles at Affidavit na isinusumite ng nasasakdal o nagsasakdal.(Me nakita ba kayo na mga huwes o Piskal na nag occular visit sa kasong hinahawakan? Pwera na lamang sa mga sensationalized na kaso) Na karaniwan ay ang may mga may kakayahan lamang ang nakagagawa. Bukod pa ditto na an g mga Lupon na ito ang nakakkkilala sa tunay na pagkatao ng nasaskdal lalo na kung Halimbawa ang nasasakdal at mga Lupon ay sa iisang pamayanan.May sapat na oras sila upang malaman at mapagaralan kung sino ang may kasalanan o wala.

     
  6. Kap. Bernard Gonzales

    October 30, 2011 at 3:40 pm

    Pagpapatupad ng Proyekto.by Kap bernard

    Ipamahala sa institusyong pagbibigyan ng proyekto ang pagpapatupad nito( By Administration). Subalit hindi maaaring Hawakan o pamahalaan ang paglalabas ng Pondo.Sa ikaaalam ng lahat at ito po ay batid ng mga nanunungkulan. Sa pagpapatupad ng proyekto ay talagang malaki ang nawawala, subalit ito ay hindi sa dahilang ito ay napupunta sa bulsa ng Nagpapagawa o… may Bigay ng Proyekto. Ito po karaniwan ay sa dahilang ito ay ipinakokontrata ng pamahalaan. At natural na ang kontraktor ay kumita sapagkat sila ay namumuhunan at karaniwan ay ilang buwan o minsan ay isang taon bago nila ito masingil sa pamahalaan.Bukod pa ditto ang mga karagdagang awasin sa buwis at dadaanan sa pagpapatupad nito.

    Ang isang proyekto pago ipatupad ay may SARO o Special Allotment Order o Namgangahulugan na Nakatala na sa DBM (Dept of Budget and management) o ahensiya na katulad nito , Subalit kung minsan ay hindi pa dumadating ang pondo kundi man ay may mga prayoridad na inuuna..(Kung ating mapapansin kung ipatupad ang proyekto ay panahon na ng tagulan naisasakatuparan, sapagkat ang dating ng pera karaniwan ay buwan ng Hulyo na panahon na kung saan nakakolekta na ng buwis ang pamahalaan), Isang Mungkahi na kung may SARO na ang isang Proyekto ay Magkaron ng Kasunduan ang pamahalaan sa ating mga FInansiyal Instituition(Banko) na Kapitalan na nila ang Proyekto( Maging Pribado o Gobyerno) at ang magpapatupad nito ay ang institusyong Binigyan ng Proyekto ( Halimbawa Eskuwelahan, Barangay, Munisipal) Sapagkat sa level na ito ay maraming mga matang nakamasid., Di tulad ng sa ngayon, na DPWH at Contraktor lamang ang may unawaan.

    Ang Transaksiyon ay gagarantiyahan ng Pamahalaang Mababayaran sa Mangangapital na Banko. At alam naman natin na ang patubo sa banko ay halos 1 % lamang isang Buwan. Abutin man ng buwan o taon bago ito mapondohan ng pamahalaan ay halos 10 % lamang ang magiging tubo nito.o mababawas sa proyekto.At ang Magiging papel lamang ng DPWH o anumang ahensiyang nagapagmasid ay kung maayos na naisakatuparan o nasusunod ang nakatalang proyekto (monitoring)At alam naman natin na sa transaksiyon sa Banko ay puro maayos ang papel na kakailanganin ( Black and White). Maaari ding maging monitoring group ang ilang NGO sa lugar ng proyekto.

     
  7. Kap. Bernard Gonzales

    October 30, 2011 at 3:41 pm

    Sa mga emplyeyado ng Pamahalaan.by: kap bernard

    Iparehas kundi man itaas ang sahod ng kapareho sa pribadong sector .dagdagan ang benepisyo.Pagibayuhin ang totohanang kampanya sa korapsiyon. At ipatupad ang full Transparency sa lahat ng transaksiyon ng Gobyerno At ipatupad ang reward system para sa magandang serbisyo at Promosyon lalo na sa kapulisan.Sa pagtataas ng mga benepisyo at mahigpit na Pagmamasid ay magsasa alang alang ang mga empleyado na gumawa ng di tama sapagkat malaki ang mawawalang benepisyo sa kanila.

     
  8. Kap. Bernard Gonzales

    October 30, 2011 at 3:42 pm

    Lehistratura by Kap Bernard

    Ang pagbibigay ng panahon sa pagpapatupad at implementasyon ng mga batas at alituntunin na pinagtibay ng ating mga lehistratura ( konsehal, Bokal, Kinatawan ng Destito.) Na kung maaari ay magkaroon ng partisipasyon ang mga lehistratura sa pagpapatupad nito. Na huwag iasa masyado sa kapulisan at punong Ehekutibo ang Pagpapatupad nito sapagkat mas madaling gumawa ng bata…s kesa sa magpatupad nito, bagkus ay tumulong sa pagpapatupad nito.Sa pagkat ang mga taong nabangit ay kulang na ang oras at panahon para maisakatuparan ito sa dami ng tungkuling nakaatang.

    Kung ating bubusisiin ay halos napakarami ng batas na pinagtibay at tanging amyenda lamang ang kailangan. At mahigpit na pagsasakatuparan nito.

    May suhestiyon nga na ang mga Punong Barangay ang mga gumanap na Konsehal sa bawat bayan, Ang mga Punong Bayan Bilang Bokal sa lalawigan.At mga Gobernador naman bilang kinatawan o Senador.( Na pawang hindi gugugulan ng pamahalaan. Tuusin ninyo kung magkano ang matitipid ng Pa

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: